Opisyal na pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa bansa – inanunsyo na ng Department of Education

207

Manila, Philippines – Sa June 5 na ang opisyal napagsisimula ng klase sa mga pampublikong elementary at high schools.
  Ito ay inihayag ng Department of Education, batay na rinsa kautusan ni Sec.  Leonor Briones.
  Ayon kay Briones  –ang bagong academic year ay bubuuin ng 204 school days, kabilang ang limangaraw na in-service training ng mga guro, at apat na araw na parent-teacherconferences kada quarter.
  Dahil dito, inaasahan ang mga mag-aaral na pumasok saloob ng 195 na araw.
  Kaugnay nito, sinabi naman ni Briones na posibleng maibaang schedule ng mga pribadong paaralan kumpara sa school calendar ng DepEd.
  Gayunman, ipinaalala ng kalihim na hindi maari magsimulaang mga ito nang mas maaga pa sa unang lunes ng hunyo, at hindi rin lalampas sahuling araw ng agusto.
  Bilang paghahanda naman sa muling pagbubukas ng mgaklase, ilulunsad ng DepEd ang brigada eskwela sa Cebu City sa May 15.
 

Facebook Comments