Pagbasura ng Court of Appeals sa kasong serious illegal detention laban kay pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles – walang epekto sa iba pa nitong kinakaharap na kaso

41

Manila, Philippines – Tiwala ang mga whistle blowers ngpork barrel scam na hindi na magbubunga pa ng anumang benepisyo kay Janet LimNapoles ang pag-absuwelto sa kanya ng Court of Appeals sa kasong seriousillegal detention.
  Ayon kay Atty. Levito Baligod, dating abogado ni porkbarrel scam whistle blower Benhur Luy – walang magiging epekto ang acquittal ni Napolessa iba pang kinakaharap nitong non-bailable na mga kaso.
  Ang nakikita lamang daw niyang pagbabago kasunod sanaging desisyon ng CA ay ang paglilipat ni Napoles ng kulungan.
  Binatikos din nito ang nasabing desisyon sa seriousillegal detention case ni Napoles sapagkat hindi aniya ito angkop sa mgadesisyon kamakailan ng CA.
Nauna nang sinabi ng kasalukuyang legal counsel ni Luy nasi Atty. Radji Mendoza na ikinakabahala nila ang acquittal kay Napoles dahilbaka sa huli ay mabalikan pa ng kaso ang mismong naging biktima nito.

Facebook Comments