MANILA – Opisyal nang ilulunsad ng pamahalaan sa January 15 ang Association of Southeast Asian Nations o ASEAN 2017.Sa press conference sa Malacañang – kinumpirma ni Presidential Communications Office Sec. Martin Andanar na ang pagsisimula ng yearlong meeting ay gaganapin sa SMX convention center sa Davao City.Kasabay nito, inilatag ni Andanar ang anim na priority agenda na pag-uusapan sa ASEAN summit na se-sentro sa political security, socio-cultural at socio-economic.Ang mga ito ay ang people oriented, maritime security and cooperation, peace and stability, inclusive growth, ASEAN model for regionalism at disaster resiliencies.Isa rin aniya itong magandang pagkakataon para sa mga micro, small and medium enterprise ng bansa.Ngayon taon, naka-sentro ang tingin ng lahat sa administrasyong Duterte matapos na tanggapin ang pagiging host country ng 50thASEAN summit.
Opisyal Na Paglulunsad Ng Asean 2017, Inihayag Na Ng Malacañang….Mga Priority Agenda Para Sa Year Long Meeting – Inilat
Facebook Comments