Dumalo at sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang opisyal na paglulunsad ng mga bagong digital services ng Securities and Exchange Commission (SEC).
Isinabay ito sa selebrasyon ng ika-85 anibersaryo ng SEC ngayong araw.
Ang mga inilunsad na mga bagong digital services ay ang Electronic SEC Universal Registration Environment o eSECURE, Electronic SEC Education, Analysis and Research Computing Hub o eSEARCH, SEC API Marketplace, Electronic Registry Application for Market Participants o eRAMP at SEC Check App 2.0.
Sa opening remarks sinabi ni SEC Chairperson Emilio Aquino na ang paglulunsad ng mga digital service na ito ay napapanahon sa pagnanais ni Pangulong Marcos na patatagin ang digital economy at e governance program sa bansa.
Bukod sa mga inilusad na mga digital services, inilunsad din kanina ang SEC FARMS.
Ang SEC FARMS ay inilunsad batay na rin sa isinusulong na mga priority programs ng Marcos administration na may kinalaman sa food security at agrikultura.
Layunin nitong magkaroon ng secured expanding capital para sa mga sakahan at agri business na may kaugnayan sa modernization schemes.