OPISYAL NA | Resignation ni Vice Mayor Paolo Duterte, tinanggap na ng Pangulo

Davao City – Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ng kanyang anak na si Paolo Pulong Duterte bilang vice mayor ng Davao City.

Ito ang kinumpirma ngayon ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Magugunitang December 25, 2017 ng maghain ng resignation si Paolo Duterte.


Ayon kay Paolo na ang kanyang hakbang ay sa ngalan ng delicadeza, pagpapahalaga sa kanilang karangalan at pagbibigay proteksyon na rin sa kanyang mga anak.

Binanggit din ni Pulong noon ang ilang hindi magagandang nangyari sa kanyang buhay tulad ng pagsira sa kanyang reputasyon matapos isangkot sa isyu ng smuggling sa Bureau of Customs, pagsermon sa kanyang anak sa pamamagitan ng social media at ang kanyang failed marriage.

Isinagawa ni Pulong ang kanyang resignation kasunod ng malagim na pagkasunog ng NCCC Mall kung saan marami ang nasawi.

Facebook Comments