OPISYAL NA | ‘Safer Internet Day for Children Philippines’ tuwing ikalawang Martes ng Pebrero kada-taon

Manila, Philippines – Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 417 na nagdedeklara bilang ‘Safer Internet Day For Children Philippines’ ang ikalawang martes ng Pebrero kada-taon.

Ito ay bilang pagtalima ng pamahalaan sa 1987 Constitution na maitaguyod at maprotektahan ang pisikal, moral, espiritwal, intelektwal at sosyal ng mga kabataan dahil mahalaga ang mga ito sa pagbuo ng bansa.
Nakasaad sa Proclamation 417 na ang lahat ng ahensya ng gobyerno at maging ang pribadong sektor ay hinihikayat na makiisa sa Inter-Agency Council Against Child Pornography (IACACP) sa mga adbokasiya nito at sa implementasyon ng mga programa kasama na ang ilang aktibidad na gagawin.

Dahil dito, kabilang na ngayon ang Pilipinas sa halos 100 mundo na mag-oobserba sa naturang araw upang maihatid sa publiko ang mga online issues na kinahaharap ng mga kabataan.


Facebook Comments