NAKAPASA | San Beda, isa nang university!

Manila, Philippines – Isa nang unibersidad ang San Beda matapos aprubahan ng Commission on Higher Education (CHED) ang kanilang aplikasyon para sa University status.
Base sa CHED Memorandum Order No. 48, series of 1996, ilang aspeto ang ikinukonsidera bago igawad ang University Status sa mga ‘Higher Education Institutions (HEI) kung saan kabilang dito ang kagalingan ‘Areas of Instruction, Research And Extension’.

Required rin ito ang Level III Accreditation sa kahit apat na Undergraduate Programs at dalawang Graduate Programs ng pamatansan.

Ilan sa mga kilalang personalidad na alumni ng San Beda ay sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Leila De Lima na parehong nagtapos sa College of Law.


Facebook Comments