Opisyal ng 5 Barangay sa City of Ilagan, Binalaan ng Alkalde

Cauayan City, Isabela- Binalaan ni Mayor Josemarie Diaz ng City of Ilagan ang ilang opisyal ng barangay matapos ang tila hindi paghihigpit sa mga residente sa kabila ng ipinapatupad na panuntunan sa pag-iwas sa coronavirus 2019.

Base sa facebook live post, tahasang ipinunto ng alkalde ang mga opisyal ng Barangay Baculod, Bagumbayan, Centro Poblacion, San Vicente at Bliss Village na posibleng harapin ang kahihinatnan ng kanilang tungkulin bilang lingcod barangay.

Ayon kay Diaz, ito ay sa kabila ng impormasyon na pinapabayaang lumalabas ng walang facemask ang mga residente, walang sawang pag-iinom ng alak,magdamagang umpukan at mga kabataan na pagala-gala kahit oras na ng curfew hour.


Bagama’t ang mga nasabing barangay ay paulit-ulit na may impormasyon na ganito ang ginagawa ay hindi aniya ibig sabihin na kailangan magpabaya ang iba pang opisyal ng barangay sa lungsod.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang opisyal sa lahat ng patuloy na tumutulong sa kanilang hangarin na matugunan ang matiyak na hindi na dadami pa ang magpopositibo sa virus sa siyudad maging sa buong rehiyon.

Facebook Comments