
Cauayan City, Isabela- Ikinatuwa ng grupong โ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐๐๐ฅ๐ ๐๐ญ ๐๐ซ๐ ๐๐ง๐ข๐ฌ๐๐๐จ (๐๐๐)โ ng Barangay Mabini sa Santiago City ang pagkakabilang sa huling yugto ng mga nominado sa โ๐๐๐๐ซ๐๐ก ๐๐จ๐ซ ๐๐จ๐ฆ๐๐ญ๐จ๐ฐ๐ง ๐๐๐ซ๐จ๐๐ฌโ ng Benita and Catalino Yap Foundation (BCYF).
Ayon kay Kagawad Joseph Cortez, inspirasyon ng kanilang grupo ang simpleng paraan ng pagtulong subalit higit itong nakapagbigay ng ngiti sa ilang indibidwal lalo paโt humaharap ang lahat sa pandemya dulot ng COVID-19.
Boluntaryong kumikilos ang kanilang grupo sa ilang serbisyong pangkomunidad na isa sa mga sentro ang mabigyan ng magandang halimbawa ang mga kabataan sa kung paano higit na makakatulong sa kanilang kapwa na walang hihintaying kapalit.
Ayon pa kay Cortez, hindi maisasakatuparan ang lahat ng proyekto na kanilang nasimulan kung hindi dahil sa iba pang boluntaryong tumutulong sa kanila para sa kapakinabangan ng mga higit na nangangailangan.
Sa kabila nito, nagpapasalamat din siya sa mga taong kumikilala sa kanilang ambag sa lipunan maging ang RMN/iFM Cauayan na naging daan para makasama ang kanyang grupo sa mga nominado mula sa ibaโt ibang panig ng bansa.
Umaasa naman ang grupo na masusungkit nila ang pagkilalang ito na kanila namang iaalay sa mga taong higit na naniniwala sa kanilang kakayahan.