Itinanggi ng opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) na si ni Senior Insp. Maribel Bansil ang kanyang pagkakadawit sa usap-usapang Good Conduct Time Allowance (GCTA) for sale scheme na nagaganap sa New Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay Bansil, labis niyang ikinagulat na napasama ang kanyang pangalan dahil wala naman siyang kinalaman sa GCTA for sale.
Aniya, nakatalaga lang siya sa External Affairs Section ng BuCor na humahawak ng mga dokumento na kaugnay na GCTA ngunit wala siyang kinalaman sa umanoy scheme na nagaganap doon.
Nilinaw din nito na wala siyang tinanggap na P50,000 mula kay Yolanda Camelon kapalit ng maagang paglaya ng asawa nito.
Matatandaang isa ang pangalan ni Bansil sa nabanggit ng isang witness na si Yolanda Camelon sa isinagawang Senate Inquiry kaugnay sa GCTA for sale sa Bilibid.