Opisyal Ng Bureau Of Customs Na Tinukoy Ni Pangulong Duterte Na Sangkot Sa Korapsyon, Sinibak Na Sa Pwesto

69

MANILA – Sinibak na sa pwesto bilang Officer-In-Charge ng Enforcement Group ng Bureau of Customs ang pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa korapsyon.Nilagdaan ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang pagsibak kay Atty. Arnel Alcaraz sa nasabing pwesto at pansamantalang ipinalit si Isabelo Tibayan III.Noong nakaraang Martes, sinabi ni Pangulong Duterte na nais niyang matanggal sa pwesto ang isang opisyal ng Customs dahil sa pagkakasangkot sa korapsyon.Si Alcaraz ay nahaharap sa kasong graft sa National Bureau of Investigation dahil sa pagkakasangkot sa umano pangingikil.

Facebook Comments