Opisyal ng Clark na idinadawit ni Pangulong Duterte sa katiwalian, naghain ng leave of absence

Manila, Philippines – Boluntaryong naghain ng leave of absence ang opisyal ng Clark Development Corporation (CDC) na idinadawit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa katiwalian.

Ayon kay CDC President at CEO na si Noel Manankil – handa siyang humarap sa anumang imbestigasyon.

Nanindigan din ni Manankil na wala siyang kinalaman sa anumang irregularidad.


Nabatid na muling inungkat ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon ang planong pagsibak sa isang opisyal galing Clark.
Unang ipinahayag ito ng pangulo noong Miyerkules sa kanyang pagbisita sa Manila Hotel kung saan sinabi nito na nakatanggap siya ng ulat na may naniningil ng dalawang milyong piso tuwing may pinapagawa sa contractor.

Facebook Comments