Anim na persons of interest sa kaso ng pagpatay sa limang mag-anak sa San Jose Del Monte, Bulacan – pinatututukan na ng PRO-3

171

Manila, Philippines – Pinatutukan ng Police Regional Office 3 (PRO-3) ang anim na persons of interest na posibleng may kinalaman sa pagmasaker sa limang magkamag-anak sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Ito’y matapos umamin ang suspek na si Carmelino Ibañes na may iba pa siyang kasabwat sa karumal-dumal na krimen.

Sa interview ng RMN kay PRO-3 Director, Chief Supt Aaron Aquino – iimbestigahan na nila ang mga iba pang taong posibleng dawit sa insidente.


Binigyang diin din ni Aquino – na ang nasabing krimen ang nagpapatunay na masama ang epekto sa kalusugan at isipan ng tao ang paggamit ng ilegal na droga.

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na patuloy pa ring ang imbestigasyon kahit nahuli na si Ibañes.

Facebook Comments