Opisyal ng Customs, nagtuturuan ngayon kaugnay sa nakalusot na 64 billion na iligal na droga

Manila, Philippines – Nagturuan ngayon ang mga opisyal ng Bureau of Customs kaugnay sa nakalusot na illegal drugs sa Bureau of Customs.

Iginigiit ni Director Milo Maestrecampo noong una na hindi dapat sa kanya nag-request ng alert si suspended Risk Management Office Acting Chief Larry Hilario dahil siya ay sa import assessment service.

Dagdag pa nito, hindi siya pwede umaksyon sa alert na nakarating sa kanya.


Pero lumalabas na maaaring magrekomenda ng alert si Maestrecampo matapos siyang maabisuhan tungkol sa red flag shipment na dumaan sa green lane ng Customs.

Ayon kay Deputy Commissioner Edward Dybuco, maaaring magrekomenda ang anumang dibisyon ng BOC na makakatanggap ng alert sa kwestyunableng kargamento at ito ay subject for review ng import assessment service na hawak naman ni Maestrecampo.

Tinanong naman ni HMFL Rodolfo Fariñas ang BOC kung hindi ba kinikilabutan ang ahensya.

Aniya, nauutakan ang mga ito ng mga smuggler dahil nagagawang ilusot ng mga ito ang bultu-bultong shipment ng droga.

Dagdag ni Fariñas, sa 28 ni-request for valuation, isa pa lamang ang na-review ng BOC at iyon ang kargamentong may dalang 6.4 Billion na halaga ng illegal drugs.

Facebook Comments