Opisyal ng Deped na pinatay sa kanyang dispededa party, inilibing na.

Pagadian City, Zamboanga del Sur—-INIHATID na sa kanyang huling hantungan ang opisyal ng Department of Education (Deped) Zamboanga del sur na si Marcom Borongan na pinatay noong Julyo 3 habang nasa kanyang dispededa party sa loob ng paaralan.
Bago paman inilibing si Borongan sa Perpetual Help Paglaum uno dito sa Lungsod, isang misa muna ang ginanap sa Santo Niño Cathedral sa pamamagitan ni Father Jo Villapas na naging kaibigan at kakilala din ni Borongan kung saan halos nakasuot ng puting damit ang mga nakiramay.
Mismong si Deped Undersecretary Tony Umali na mula pa sa Head Office ang nakiramay sa pamilyang pinaslang kasama ang halos lahat ng mga guro, mag-aaral, principal, mga opisyal din ng deped mula pa sa ibat-ibang mga lalawigan ng Zamboanga peninsula.
Nagpaabot din ng pasasalamat si Lida Borongan ang asawa ng namayapa dahil sa suporta na ipinakita ng kanyang mga kasamahan sa Deped at maging mga opisyal ng probensiya at Lungsod ng Pagadian.
Sa ngayon nagpapatuloy parin ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa pangyayari kung saan nasa kustodiya parin ng pulisya ang isang suspek na nagngangalang si Jun-Jun Toledo na siyang idinadawit sa kaso subalit hindi pa kumpermado kung itoy may kinalaman sa pagpaslang sa opisyal na siyang pinagtuonan ngayon ng imbestigasyon ng Special Investigation Taskgroup Borongan. (dxpr News Team)


Facebook Comments