Opisyal ng gobyerno, aminadong nabigla ang pamahalaan sa ipinakitang lakas ng mga terorista sa Marawi

Marawi City – Aminado ang Duterte administration na hindi nila inaasahan ganong kalakas ang mga terorista sa Marawi City.

Ayon kay Presidential Legal Adviser Salvador Panelo – nakapaghanda ang ISIS-inspired Maute Group at local terrorists sa paglusob sa Marawi kung saan marami malalakas na armas ang kanilang hawak ngayon.

Aminado ang opisyal na matindi ang problema ng terorismo sa bansa at sa dami ng kalaban ng gobyerno, ito ang dahilan kaya posibleng palawigin pa ang martial law sa Mindanao.


Una nang tina-target ng gobyerno na matutuldukan ang krisis sa Marawi bago ang State of Nation Address ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments