Opisyal ng HPG-Special Operations Division, sinampahan ng reklamo ng limang tauhan sa NAPOLCOM dahil sa bribery at case-fixing scheme

Naghain ang limang opisyal ng Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP-HPG) ng joint complaint sa National Police Commission (NAPOLCOM) laban sa kanilang superior dahil umano sa isyu ng suhulan at case-fixing scheme.

Sa sinumpaang salaysay nina PLt. Adolfo Mendoza, PSMS. Aladin Orale, PSMS. Ronnie Vergoles, PMSG. Krizzia Barola ay PAT. Arnel Fontillas Jr., inakusahan nila si Police Colonel Rommel Casanova Estolano, chief ng HPG–Special Operations Division ng grave misconduct, dishonesty at conduct unbecoming of a police officer.

Ayon sa mga police officer,nakakuha umano si Estolano ng P7 million na halaga ng suhol para protektahan ang isang high-profile detainee at magmanipula ng criminal cases.

Sinabi ni Police Senior Master Sgt. Orale, nag-ugat ang alegasyon sa anti-carnapping at patrol operation noong June 13, 2025 sa Metro Manila at Region 4A.

Sa isinagawang operasyon, inaresto ng mga complainant ang isang lalaki na si J.J. Javier at kasamahan nito sa Parañaque City at narekober dito ang Glock 19 Gen5 pistol, bala, bulletproof vests, at explosive device.

Pero sa halip daw na ipursige ang kaso ay nangialam ito at inimpluwensiyahan ang mga humahawak sa kaso.

Facebook Comments