Opisyal ng militar, patay sa patuloy na giyera sa Marawi City

Marawi City – Isa na namang opisyal ng militar ang nasawi sa harap ng patuloy na giyera sa Marawi City.

Kinilala ang nasawing Philippine Army official na si Major Rommel Sandoval, Company Commander ng 11 Scout Ranger Company.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Marine Col. Edgard Arevalo, nasawi kahapon si Sandoval matapos na tangkaing sagipin ang kanyang kasamahang sugatan na nasawi rin habang binabawi ang dalawang gusali mula sa Maute Terrorist Group sa main battle area sa Marawi City.


Sa ngayon, hindi pa inihahayag ang pangalan ng isa pang sundalong nasawi dahil hindi pa ito naipapaalam sa kanyang pamilya.

Nakaburol na ngayon ang mga labi ni Sandoval sa Libingan ng mga Bayani at nakakatakdang bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong gabi.

Facebook Comments