Opisyal ng NIA Maguindanao patay sa pamamaril!

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP kaugnay sa kaso ng pamamaril sa Acting Division Officer ng NIA Maguindanao.
Ito na rin aniya ang ikalawang pagkakataon ngayong taon na pinagbabaril ang biktimang si Engr. Nestor Bong Espinila, 62 anyos at residente ng Purok Maunawain MBRH .
Una, noong Feb 27, ngunit hindi ito nasaktan , habang kahapon ay siniguro na ng mga di nakilalang suspek na sakay ng motorsiklo ang kamatayan ng biktima ayon pa kay CD Richard Fiesta sa panayam ng DXMY.
Mula sa kanyang trabaho ang biktima at inihatid papauwi gamit pa ng service vehicle ng NIA sa kanyang bahay, alas singko kinse kahapon ng hapon. Pagdating sa kanyang bahay ay dun na pinagbabaril ang biktima.
Dead on arrival sa hospital ang biktima dahil sa natamong multiple gunshot wounds.
Ikinalungkot naman ng PNP ang nangyari sa isang opisyal ng gobyerno.
Sumisigaw naman ngayon ng katarungan ang mga kapamilya , katrabaho at mga kaibigan ni Engr. Bong.
PIC: from the FB of Engr. Bong
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments