Sinibak ng Palasyo ng Malakanyang si Jose Antonio Goitia bilang Executive Director ng Pasig River Rehabilitation Commission.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel & Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang pagkakasibak kay Goitia ay bilang pagtalima sa mandato ni Pangulong Rodrigo Duterte na labanan ang korapsyon sa pamahalaan.
Kasunod nito pinapayuhan ng palasyo si Goitia na iturn over sa lalong madaling panahon ang mga official documents, papers at properties na nasa kanyang pag aari sa Office of the Deputy Executive Director for Finance and Administrative Services ng komisyon.
Umaasa naman ang Malakanyang na magsilbi nawang aral ang pagkakasibak kay Goitia at hindi na ito pamarisan ng iba pang opisyal ng gobyerno.
Si Goitia na ang ikalawang government official na sinibak ng Pangulong Duterte ngayong nakalipas na 2 linggo.
Una nang nasampolan si dating Bucor Chief Nicanor Faeldon dahil sa isyu naman ng misapplication ng good conduct time allowance law.