Opisyal ng RCBC Commercial Banking Corporation at Philrem Service Corporation, pinakakasuhan na ng DOJ ng money laundering

Manila, Philippines – Pinakakasuhan ng Department of Justice (DOJ) ang mga opisyal ng RCBC Commercial Banking Corporation at Remittance Service na Philrem Service Corporation ng money laundering.

Ito’y kaugnay ng 81 million US dollar na ninakaw mula sa Bangladesh bank.

Batay sa 12-pahinang resolusyon, walong bilang na reklamong paglabag sa anti money laundering act ang isinampa laban kay Maia Santos-Deguito, manager ng RCBC Jupiter Makati Branch pati ang apat na bank depositors nito.


Apat na ulit na parehas na reklamo ang inihain naman sa mga may-ari ng Philrem na sina Salud Bautista, Michael Bautista at Anthony Pelejo.

Ayon sa DOJ, lumalabas na nakipagsabwatan si Deguito sa mga depositor pero ang mga tunay na pangalan ay hindi pa mabatid.

Matatandaang February 16 noong nakaraang taon, napasok ng mga hackers ang Bangladesh bank at ang nakuha ang $81 million dollars na pondo nito.

Ang pera ay idinaan naman sa RCBC Commercial Banking Corporation Jupiter Branch sa Makati City.

Facebook Comments