World – Dahil sa iringan sa White House, umalis sa national security council ang isa sa mga adviser ni US President Donald Trump.
Sa inilabas na statement ni dating Army Colonel at Iraq & Afghanistan Intelligence Officer Derek Harvey – may ilang major policy na may kinalaman sa Syria, Iran at Iraq ang hindi nila napagkakasunduan.
Kinumpirma naman ito ni NSC Director Herbert Raymond McMaster ang pag-alis ni Harvey.
Anya, malaking tulong si Harvey sa White House dahil sa kanyang karanasan at expertise sa defense intelligence sa middle east.
Facebook Comments