Opisyales ng mga Pampublikong Sasakyan sa Jones, Pinulong ng PNP!

Jones, Isabela – Pinulong ng PNP Jones ang lahat ng opisyales ng mga pambublikong sasakyan kahapon kaugnay sa nalalapit na pasukan ng mga estudyante.

Ayon kay Police Chief Inspector Rex Pacua, hepe ng PNP Jones na naging maayos ang pagtanggap ng mga opisyales ng bawat asosasyon ng tricycle, jeep, bus at van.

Tinalakay umano sa pulong ang hinggil sa mga pagbabawal ng over loading, over speeding, over charging, top loading, paghuli sa mga kolorum na sasakyan at mga multa sa mga hindi sumunod sa batas trapiko.


Sinabi pa ni Chief Inspector Pascua na layunin umano ng pulong na mabigyan ng proteksyon ang mga estudyante sa pasukan at mabigyan ng babala at kaalaman ang mga draybers sa pamamagitan ng mga ibinigay na flyers.

Kaugnay nito, nakipag-koordinasyon narin umano ang PNP Jones sa tanggapan ng LTO upang ipatupad ang paghuli sa mga hindi susunod sa batas trapiko sa bayan ng Jones.

Facebook Comments