Opisyales ng People’s Organization sa mga Barangay na Dating Apektado ng Insurhensya sa San Mariano, Isabela, Sinanay ng DOLE RO2

Cauayan City, Isabela- Sumailalim sa isang pagsasanay at oryentasyon ng DOLE Region 2 ang mga opisyal ng Peoples Organization (POs) mula sa mga barangay na dating apektado ng insurhensiya sa bayan ng San Mariano, Isabela.

Dinaluhan nina Major Oscar Blanza, Executive Officer ng 95th Infantry ‘Salaknib’ Battalion at PLTC Jeffrey Raposas, Force Commander ng 1IPMFC ang training at orientation ng DOLE Kabuhayan Program, Business Proposal making and Business Management Plan para sa mga lumahok na opisyal.

Layunin ng nasabing programa na palawakin ang kaalaman ng mga naitalagang presidente at miyembro ng organisasyon sa pagpapatakbo ng kani-kanilang nabuong People’s Organization (POs) sa pamamagitan ng kanilang nabuong pagkakakitaan.


Bukas naman ang LGU San Mariano, Isabela at maging ang pamunuan ng 95th IB para sa mga nagnanais na bumuo ng People’s Organization sa kanilang Barangay para lalong mapabilis na maipaabot ang tulong at pangunahing programa ng gobyerno sa kinaroroonang lugar.

Facebook Comments