Oplan Bakal Sita, Mahigpit na Ipinapatupad!

Aurora, Isabela – Mahigpit paring ipinapatupad ng mga alagad ng batas sa bayan ng Aurora ang oplan bakal sita.

Ayon kay Police Inspector Andy Delos Santos, Officer-In-Charge ng PNP Aurora na bawat gabi ay umiikot ang kaniyang mga tauhan lalo na sa mga lugar na may konting inuman sa kabila na wala naman umanong night spot sa nasabing bayan.

Aniya, para maiwasan ang maaring mangyari sa mga tindahan na may konting inuman ay ipinapatupad na lamang umano ang curfew na hanggang alas dyes ng gabi.


Ipinagmalaki pa ng opisyal na wala umanong nahuhuli ang pamunuan nito na lumabag sa oplan bakal sita.

Ito ay malaking manipestasyon umano na malugod na sumusunod ang taumbayan ng Aurora pagdating sa usapin ng batas.

Facebook Comments