Oplan baklas, ikinasa ng Eastern Police District sa Marikina at Mandaluyong City

Nagkasa ng oplan baklas ang Marikina at Mandaluyong PNP para linisin ang kanilang nasasakupan sa mga nagkalat na posters at tarpaulin.

 

Katuwang ng mga otoridad ang mga tauhan ng lokal na opisina ng Comelec kung saan kanilang pinagtatanggal ang mga oversize na poster at tarpaulin na karamihan ay nakadikit sa mga hindi otorisadong lugar.

 

Sinuyod nila ang kahabaan ng J. P Rizal extension sa brgy. Kalumpang at E. De la paz street sa brgy. Sta. Elena sa marikina city habang ang kahabaan naman ng Shaw Blvd. At Boni Avenue ang nilinis sa Mandaluyong City.

 

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang lokal na opisina ng Comelec kung anong hakbang ang kanilang gagawin sa mga pasaway na kandidato.

 

Bukas nang hapon ay nakatakda naman makipag-usap ang Hepe ng EPD na si Police Brig. General Christopher Tambungan sa media para ibahagi nito ang ginagawang preparasyon ng kanilang hanay sa nalalapit na botohan.

Facebook Comments