10 kandidato sa pagkasenador inendorso ni Senate President Tito Sotto III

Inendorso ngayong hapon ni Senate President Tito Sotto III ang sampung kandidato sa pagkasenador na kinabibilangan ng pitong re-electionist na sina Senators JV ejercito, Sonny Angara, Cynthia Villar, Grace Poe, Nancy Binay, Aquilino “Koko” Pimentel III at Bam Aquino.

 

Kabilang din sa inendorso ni SP Sotto si dating special assistant to the president Christopher Bong Go at sina dating Senador Pia  Cayetano at Lito Lapid.

 

Ang pormal na anunsyo ng kanyang endorsement ay ginawa ni Sotto ngayong hapon sa Rizal Plaza, Calamba, Laguna kasabay ng aktibidad ng luntiang pilipinas partylist group kung saan 2nd nominee ang anak niyang si Ciara Sotto.


 

Ayon kay Sotto, nakita niya sa kanyang mga iniendorsong kandidato ang sinseridad at dedikasyon sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

 

Diin ni Sotto, subok na ang mga ito sa pagtugon sa mga problema ng lipunan at mga dapat tutukan sa panig ng ating ekonomiya.

Facebook Comments