*Cauayan City, Isabela- *Nagpadala na ng paabiso ang tanggapan ng Comelec Cauayan City sa mga kandidato at political parties kaugnay sa kanilang isasagawang Oplan Baklas bago sumapit ang araw ng halalan.
Sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay Atty. James Ramos ng COMELEC Cauayan City, nakatakda itong isagawa sa May 11 at May 12, 2019 katuwang ang PNP Cauayan at City Environment and Natural Resources na layong malinis ang paligid at mga gagamiting paaralan bago sumapit ang Mayo a trese.
Nagpaalala na rin anya ang kanilang tanggapan sa mga kandidato kaugnay sa pagbabawal na magpaskil ng campaign materials sa anumang lugar pagkatapos ng pangangampanya.
Mahigpit rin na ipinagbabawal ang pamamahagi ng anumang election propaganda, flyers at anumang campaign paraphernalia sa mismong araw ng eleksyon.
Hiniling ng COMELEC sa lahat ng mga kandidato na ayusin na ang mga campaign posters at tarpaulins na nakalagay sa bawat area upang hindi na maisama sa kanilang pagbabaklas bago ang halalan.
Samantala, nakatakdang isagawa ang final testing at sealing sa Vote Counting Machines (VCM) sa May 10, 2019 kaya’t hinihikayat ang lahat na saksihan ang nasabing pagsusuri.
Ito’y matapos makumpleto ang mga gagamiting VCM sa bawat Polling Precinct sa Lungsod ng Cauayan.
Paalala naman sa mga botante na maging wais sa pagboto at mag-ingat sa pagpili *ng *mga ibobotong kandidato para sa ika-uunlad ng Lungsod ng Cauayan.