Oplan Baklas, sinimulan na ng Comelec

Sinimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang Oplan Baklas laban sa mga naglalakihang campaign posters ng mga kandidato na mga wala sa common poster area.

Ito’y kasunod na rin ng pagsisimula ng campaign period para sa national position sa 2025 Midterm Elections.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, kinakailangan na nakasusunod sa guidelines ang mga campaign poster at sa tamang lugar din ito nakakabit.


Aniya, isa sa mahigpit na ipinagbabawal ang pagkakabit ng poster sa mga puno maging sa mga kawad ng kuryente kung saan iipunin ito kung makitang nasa maling pwesto.

Katuwang ng Comelec sa operasyon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at lokal na pamahalaan ng Maynila.

Kaugnay nito, hinikayat ni Garcia ang mga kandidato na gumamit ng environmental-friendly campaign materials na makatutulong para protektahan ang kalikasan.

Facebook Comments