Oplan Balik Eskwela Information and Action Centers (OBEIAC), binuksan sa buong bansa

Manila, Philippines – Binuksan ng Department of Education (DepEd) ang Oplan Balik Eskwela Information and Action Centers (OBEIAC) sa buong bansa.

Ayon sa DepEd, layon nito na tugunan ang mga karaniwang suliranin o katanungan sa panahon nang pagbabalik-eskwela sa hunyo a-singko.

Magtatagal ang O-B-E-I-A-C ng dalawang linggo o hanggang sa Hunyo 16, 2017.


Ang DepEd Central Office O-B-E-I-A-C ay tumatanggap ng mga tawag lunes hanggang linggo, mula ika-pito ng umaga hanggang ika-anim ng gabi.

Ilan sa mga numerong pwedeng tawagan ay ang: (02) 636-16-63; 633-19-42; 636-65-49; 635-05-52; 638-75-30; 638-75-31; 635-98-17; 638-75-29; 636-65-50; 637-98-14; 633-72-52; 632-13-70; 632-13-64; 638-17-93; 632-13-68; 632-13-61.; o mag text 0919-456-00-27; o mag email sa action@deped.gov.ph <ACTION@DEPED.GOV.PH>.

Samantala, maaari namang puntahan ng mga magulang at mag-aaral na may katanungan ang mga regional and division OBEIACS.
DZXL558

Facebook Comments