Parking boy patay, matapos pagbabarilin sa QC

Manila, Philippines – Patay sa mismong pinangyarihan ng krimen ang isang parking fee collector matapos pag babarilin sa Commonwealth Market kagabi.

Kinilala ang biktima na si Noel Santos na residente ng Marikina City.

Ayon sa saksi sa pamamaril, nakita nyang natutulog ang biktima sa tabi ng tindAhan, kung saan magkasunod na dumating ang 2 lalaki sa lugar at malapitan na pinagbabaril ang parking boy.


Aniya kapwa nakasuot ng itim na jacket ang mga suspek, at hindi na namukaan dahil nakatakip ang muka.

Matapos ang pamamaril nag lakad ng parang walang nangyari ang 2 suspek papasok ng Commonwealth Market.

Palaisipan pa ang motibo sa krimen.
DZXL558, DK Zarate

Facebook Comments