Oplan Balik-Eskwela sa San Juan City, nagsimula na ngayong araw

Pinangunahan ni San Juan Mayor Francis Zamora ang Oplan Balik-Eskwela sa kanyang lungsod.

Sa ginawa niyang pahayag, iginiit niya na walang face-to-face classes ang mangyayari habang umiiral ang banta ng Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19) sa bansa.

Kaya naman suportado nito ang programa ng Department of Education (DepEd) na online education o blended education.


Dahil dito, inihayag nito na mamamahagi ang lokal na pamahalaan ng San Juan ng 11,000 tablets para sa public school na mga mag-aaral ng lungsod at kasado na rin ang one-is-to-one laptop para sa lahat ng public school teachers.

Makakatanggap din ng 1,500 laptops ang Pinaglaban Elementary School bilang pilot school ng digital learning sa lungsod sa ilalim naman ng makabagong San Juan program.

Ayon sa alkalde, nakipag tie-up na rin ito sa Department of Information and Communication Technology (DICT) at sa mga mamalaking private telecommunication corporation sa bansa upang maisakatuparan ang free wi-fi sa lungsod.

Facebook Comments