OPLAN BANDILLO, ISINAGAWA BILANG PAALALA KONTRA PAGNANAKAW SA MGA MATATAONG LUGAR SA DAGUPAN CITY

Patuloy ang pagbibigay abiso at paalala ng Dagupan City Police Office sa publiko na mag-ingat sa mga pananalisi at pagnanakaw lalo na sa mga matataong lugar.

‎Nililibot ng mga awtoridad ang ilang pamilihan tulad ng Magsaysay fish market at iba pang matataong lugar sa lungsod upang maiwasan ang insidente ng pagnanakaw.

‎Mainam kung ilalagay umano ang bag at ibang mahahalagang gamit na dala sa harapang bahagi ng katawan upang ito’y tiyak na nababantayan at masisigurong hindi madudukot.

‎Huwag rin umanong hayaang nakalantad ang mga cellphone, wallet, bag, at iba pang gadget lalo na sa mga pampublikong lugar.


‎Bukod dito, iginiit din na bukas ang mga himpilan ng kapulisan sa Dagupan City para sa mga nais magdulog ng reklamo at magsumbong ng mga kahina-hinalang aktibidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments