EPEKTO NG PAGTAAS NG PRESYO NG LANGIS, PATULOY NA NARARANASAN NG MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA SA PANGASINAN

Patuloy na pinapasan ng mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan ang epekto ng tumataas na presyo ng langis, na nagdudulot ng dagdag-gastos sa kanilang hanapbuhay.

Ayon kay Tatay Lito, isang magsasaka, doble ang dagok na kanilang nararanasan dahil bukod sa mahal na krudo, bumababa rin ang kita mula sa kanilang ani.

Dagdag pa niya, kasabay ng pagtaas ng presyo ng diesel ay ang pagbaba naman ng presyo ng bigas, dahilan upang lalo silang mahirapan sa pang-araw-araw na gastusin.

Samantala, inaasahang muling tataas ang presyo ng diesel, na ginagamit sa mga makinaryang pansaka at bangka ng mga mangingisda, ngayong linggo ng humigit-kumulang ₱14 hanggang ₱14.50 kada litro.

Kung magpapatuloy ang oil price hike, maaaring umabot sa halos ₱130 kada litro ang diesel, habang posible ring tumaas ang presyo ng gasolina ng ₱7 hanggang ₱7.50 kada litro.

Sa kabila nito, umaasa ang mga nasa sektor ng agrikultura tulad ni Tatay Lito sa agarang tugon ng pamahalaan.

Tulong ang kanilang panawagan upang maipagpatuloy ang pagbibigay ng pagkain sa hapag ng bawat pamilyang Pilipino. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments