Nagsimula ng mag-ikot ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa mga pasyalan at malaking mall sa lungsod.
Ito ay kasabay ng paglungsad ng MPD ng Oplan Bandillo kung saan mas dinoble pa nila ang bilang mg mga pulis sa kada mall sa Maynila.
Ayon kay MPD Director PBGen. Andre Dizon, ito ay upang i-maximize ang police visibility bilang isang pagpigil sa krimen at upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng publiko.
Naging normal naman ang sitwasyon sa mga malls maging sa mga Divisoria ngunit nagpaalala pa rin si Dizon na huwag maging kampante.
Aniya, ingatan palagi ang mga personal na kagamitan tulad ng wallet, cellphone at mga pinamili.
Siguraduhin din ang pag-iingat sa sarili at umiwas sa mga siksikang lugar o maipit sa karamihan ng tao.
Dahil bukod sa mga nais manamantala, makakaiwas din ang publiko sa anumang karamdaman lalo na sa banta ng COVID-19.