Mga sugatang sundalo, binigyan ng maagang pamasko ng PA

Pinangunahan ni Philippine Army (PA) Chief Lt. General Romeo Brawner Jr., ang pamamahagi ng pamasko sa mga sugatang sundalo na nagpapagaling sa Army General Hospital (AGH) sa Fort Bonifacio, Taguig.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Gen. Brawner na ang munting handog ng PA sa kanilang mga sugatang tropa ay bilang pasasalamat sa kanilang serbisyo at dedikasyon.

Kasabay nito, tiniyak ni Brawner na prayoridad ng Philippine Army ang morale at maayos na kalagayan ng kanilang mga tauhan.


Ang taunang gift-giving activity ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-63 anibersaryo ng AGH.

Kabilang din sa aktibidad ang blood-letting drive, kung saan nakalikom ang AGH ng 14 na litro ng dugo mula sa 33 sundalo para pandagdag sa blood bank ng Victoriano Luna Medical Center sa Quezon City.

Facebook Comments