Handa na ang KBP Pangasinan Chapter para pangunahan ang “Oplan Broadcastreeing 2017” sa lalawigan. Ngayong araw nga ay nakipagpulong ang Chapter Officers ng KBP Pangasinan sa lokal na gobyerno ng Mangaldan Pangasinan sa pangunguna ni Mayor Bona Fe de Vera-Parayno upang isaayos ang nasabing tree planting activity. Dinaluhan ito ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, pampublikong eskwelahan at maging pribadong organisasyon upang magpahayag ng suporta sa pamamagitan ng pagboluntaryong mag-tanim ng mga seedlings na ipagkakaloob ng DENR at Office of the Provincial Agriculture na aabot sa humigit kumulang na 2,000 piraso.
Napili ang stretch ng Angalacan River na nasasakupan ng Brgy. Embarcadero, Nibaliw, at Tebag na pawang parte ng Mangaldan Pangasinan kung saan ay dinidevelop na susunod na tourist attraction ng bayan.
Gaganapin ang KBP Oplan Broadcastreeing 2017 sa darating na July 29, araw ng Sabado ganap na alas-sais ng umaga. Magkakaroon ng maikling programa sa mismong araw at susundan ito ng pagtatanim ng mga puno na dadaluhan ng humigit kumulang na 1,000 volunteers.
Oplan Broadcastreeing is an annual nationwide tree planting activity of Kapisanan ng mg Broadkaster ng Pilipinas for the betterment of our environment.
[image: Inline image 1]
OPLAN BROADCASTREEING 2017 NG KBP PANGASINAN CHAPTER KASADO NA!
Facebook Comments