Manila, Philippines – Nagsagawa ng Oplan Bulabog/Oplan Tambay sa kalsada, bilang direktiba ni pangulong Rodrigo Duterte na bawal ng mag istambay ang mga tauhan ng Station 1 ng MPD na nagresulta ng pagkakaaresto ng 75 katao sa Aroma,Happyland Brgy 105 at Brgy 128 Smokey Mountain Tondo Manila.
Ayon kay MPD Spokesman Supt Erwin Margarejo 75 personsonalidad ang inimbitahan ng mga tauhan ng Station 1 ng MPD na pagala-gala sa Road 10, North Harbor Tondo Manila.
Paliwanag ni Margarejo ang naturang hakbang ng MPD ay upang maiwasan na mayroon mga mangyayaring kaguluhan sa lugar kayat agad na inimbitahan ang 75 katao sa Station 1 ng MPD para sa information and dissemination ng City Ordinances na mahigpit na ipinatutupad sa Lungsod ng Manila.
Dagdag pa ng opisyal puspusan ang kanilang ginagawa pag iikot sa mga lugar sa Maynila na madalas maraming mga umi-istambay para mahigpit na ipatupad ang direktiba ni pangulong Duterte na bawal ng mag istambay sa mga kalye para maiwasan ang anumang karahasan.