General Santos City—Inilunsad dito sa lungsod ng Heneral Santos ang Oplan Clean Rider kung saan ito ay isang nationwide campaign ni PNP Director General Oscar Albayalde laban sa krimen na kadalasang gumagamit ng motorsiklo tulad nalang ng riding in tandem criminal.
Pinangunahan ni Police Chief Superintendent Eliseo Rasco, Regional Director ng Police Regional Office 12 ang nasabing programa na isinagawa sa camp fermin lira dito sa lungsod.
Layon nito ay maiwasan ang anumang krimen sa loob ng rehiyon na gumagamit ng motor at isa rin ito sa mga nakikitang solusyon laban sa nakaw na motorsiklo na isa sa may pinakamaraming kaso rehiyon 12.
Nilalagyan ng sticker ang lahat ng motorsiklo na nakapasa sa inspection ng kapulisan partikukar na ng highway patrol group at lto kung saan may mga security features ito na sinigurong mahirap gayahin.
Maliban sa sticker sa mga motorsiklo ay may halintulad ring sticker na inilalagay sa mga driver’s license na kanilang i-pepresenta sa mga checkpoint area upang hindi na rin maipit sa mahabang pila.
Pinaliwanag ni Chief Superintedent Rasco na hindi compulsory ang nasabing paglalagay ng stickekr kundi ito ay boluntaryo lamang.
Target namang malagyan ng clean rider sticker sa loob ng rehiyon ay tinatayang aabot sa 130, 000.
Samantalang sinabi rin ni Rasco na maaring gamitin bilang mga force multipliers ang mga may ari ng motor na nilagyan ng mga sticker.
Oplan Clean Rider, inilunsad sa Rehiyon 12
Facebook Comments