Manila, Philippines – Inihayag ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) na pagkatapos ng SK at Barangay election ay tinutukan naman ng pulisya ang kriminalidad partikular ba ang pagsugpo ng iligal na droga at mga paglabag sa ordinasa kung saan ay 22 katao ang naaresto sa isinagawang Oplan Galugad ng MPD.
Ayon kay MPD Spokesman Police Superintendent Erwin Margarejo pagkalipas ng halalan ipinagpatuloy ng 11 Police Station ang kanilang operation o tinawag na Oplan Galugad sa kanilang nasasakupan na nagresulta sa pagkakaaresto ng 22 katao sa iba’t ibang mga paglabag.
Paliwanag ni Margarejo ang 22 kataong naaresto ang 10 dito ay gumagamit ng ilegal na droga, anim dito ay nagsusugal, 2 ang lumabag sa City Ordinance at isa ang may Warrant of Arrest at tatlong iba pa.
Nakumpiska sa mga nahuling suspek ang 13 plastic sachet na hinihinalang shabu at mahigit isang libong piso perang ginamit sa pangsugal at tatlong motorsiklo na walang kaukulang mga dokumento.