Oplan Greyhound, ikinasa sa Quezon City Jail

Quezon City – Iba’t ibang kontrabando ang nakumpiska sa isinagawang Oplan Greyhound sa loob ng 5 dormitoryo sa Quezon City Jail kaninang umaga.

Nakuha mula sa mga preso ang ilang electrical wires, cellphones, sigarilyo, mga lighter, gunting, improvised na kutsilyo at iba pa.

Pinaghihinalaang ginagamit ang mga nasabat na lighter bilang drug paraphernalia pero wala namang nakuhang shabu mula sa mga bilanggo.


Nagsimula ang Oplan Greyhound alas-8 ng umaga kung saan ginalugad ng mga city jail personnel ang mga dormitoryong may higit sa 1,500 na preso.

Facebook Comments