Oplan greyhound, isinagawa sa Marikina City Jail

Marikina City – Nagsagawa ng greyhound operation ang Marikina BJMP katuwang ang PDEA at Marikina police sa kanilang city jail.

Pinalabas ang lahat ng mga preso at hinalughog ang bawat sulok ng kanilang selda.

Wala namang nakumpiska na kontrabando mula sa mga bilanggo.


Tanging mga electric fan lamang ang nakuha mula sa mga preso.

Ayon kay Jail officer Joji Pangan, bawal ang sariling electric fan dahil bukod sa nagtitipid sila ng kuryente ay napagsisimulan din ito ng away.

Ito ay dahil sa kung sino ang may-ari ng electric fan ay sa kanya lamang nakatutok ang hangin.

Mayroon naman aniyang ceiling fan sa piitan at mayroon ding ventilation.

Ang problema, masyado nang siksikan sa loob ng city jail.

Sinabi ni Pangan 96 lang ang capacity ng 6 na selda ng Marikina City Jail pero umaabot na sa 981 ang mga nakapiit dito.

Paliwanag ni Pangan, 2 ang lumalabas pero katumbas naman ito ng 12 papasok sa piitan bunsod narin ng pinaigting na kampanya ng Duterte administration kontra illegal na droga.

Facebook Comments