Oplan Greyhound sa BJMP Ilagan, Lingguhang Isinasagawa!

City of Ilagan,Isabela – Isinasagawa ang lingguhang oplan greyhound sa lahat ng selda ng BJMP Ilagan upang maiwasan ang anumang iligal na gawain.

Ayon kay Jail Senior Inspector Jose Bangug Jr., ang warden ng BJMP Ilagan na negatibo sa ipinagbabawal na gamot ang lahat ng tauhan at mga bilanggo sa kaniyang pamunuan dahil sa katatapos lamang umano ang kanilang drug test sa nakalipas na buwan.

Sinabi pa ni Jail Inspector Bangug Jr. na mahigpit ang kaniyang mga tauhan sa lahat ng bilanggo maging sa mga pamilya na bumibisita upang maiwasan ang anumang transaksyon na maaring mangyari sa loob ng bilangguan.


Matatandaan na nakuha ang isang pakete ng shabu sa loob ng BJMP Cauayan matapos isinagawa ang oplan greyhound ng PNP Luna, PNP Cauayan City at IPPO.

Facebook Comments