Marikina City – Matapos ang mahigit 2 oras na Oplan grey hound o paggalugad sa 6 na selda ng Marikina City jail nag-negatibo ito mula sa kontrabando.
Mga matatalim na bagay tulad ng gunting, 1 improvised na kutsilyo, 20 ballpen ang nasabat nang pinagsanib pwersa ng BJMP, Marikina police at PDEA .
Ayon kay Chief Insp. Jonathan Pangan jail warden ng Marikina city jail maging ang mga ballpen ay bawal sa loob ng selda dahil maaari parin itong makapanakit ng kapwa bilanggo.
Inalis narin ang mga plastic containers o yung mga basyo ng mineral water dahil nakakasikip lamang ito sa maliit na selda ng mga inmates.
Paliwanag ni Pangan takot ang mga inmates na mahulihan ng kontrabando dahil sa umiiral nilang kasunduan.
Kapag nahulihan kasi ng anumang uri ng droga o anumang kontrabando ang sinumang preso kahit mag isa pa ito ay suspendido ang karapatan nilang madalaw ng isang buong araw.