Tiniyak ni Joint Task Force COVID Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar na
mananatili ang oplan habol ng mga tauhan ng PNP Highway Patrol Group para sa mga motoristang iiwas sa mobile checkpoints.
Aniya ang ganitong hakbang ng PNP ay bahagi rin ng new normal na isa sa paraan ng pamahalaan para lalong maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Sabi ni Eleazar, ang HPG ang in-charge sa pagpapatupad ng mobile checkpoints kaya sila na rin ang maghahabol sa mga motoristang iiwas sa mga mobile checkpoints.
Giit ni Eleazar, hindi nila kakayanin na isa-isahing pahintuin ang mga sasakyan para inspeksyunin kaya mahalaga ang role ng HPG na gagawa ng mobile checkpoints.
Una nang sinabi ni Eleazar na bahagi ng new normal ang pagkakaroon pa rin ng Quarantine Control Points at curfew lalo na sa mga urban areas.