OPLAN ‘HARABAS’ inilusad ng PDEA at ilang ahensya ng gobyerno sa Gensan

General Santos City—Aabot ng 115 na bilang ng mga drivers ang isinailalim sa surprise drug test na bahagi ng implementasyon ng “OPLAN HARABAS: ‘Drug Test Muna Bago Pasada’ na isinagawa dito sa Gensan.

Pinangunahan ni PDEA Regional Office-12 Director Naravy Duquiatan ang nasabing operasyon sa pakikipagtulungan ng LTO; LTFRB, Civil Aviation Authority of the Philippines; Regional Mobile Force Battalion; General Santos City Police Office at Joint Task Force Gensan Barracuda.

Tatlong lugar ang pinagdausan nito na kinabibilangan ng van terminal, sa Bulaong Road, Gensan City Airport kung saan subject nito ang mga taxi drivers at mga van drivers.


Maliban sa drug test, bahagi ng implementasyon ng Oplan Harabas ang pamimigay ng IEC materials o PDEA Comics sa mga drivers at pasahero.

Ayon kay Kath Abad, Spokesperson ng PDEA-12, layon nito ay para masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero lalo pa’t patuloy ang pagtaas ng kaso ng road traffic accident sa Rehiyon na muabot na sa 423% ang pagtaas nito.

Base naman sa Monitoring ng PDEA aabot ng 3,654 drivers, bus conductors at dispatchers ang naaresto dahil narin sa paglabag sa RA 9165 sa bansa mula noong Enero 2018 hanggang Enero 2019”. .

Facebook Comments