Manila, Philippines – LTFRB, ipinakalat na ang mga tauhan laban sa mga taxi driver na isnabero.
Ipinakalat na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang mga tauhan sa taxi base ng mga mall.
Ayon kay Ian Buenafe, Senior Transportation Development Officer ng LTFRB, ito ay bahagi ng kanilang oplan isnabero laban sa mga pasaway na taxi driver.
Dahil sa inaasahang pagbuhos ng mga pasahero ngayong Christmas season, hinihikayat ng LTFRB ang publiko na i-report sa kanila ang mga pasaway na taxi driver.
Batay sa datos ng LTRFB, nasa 166 na reklamo ang kanilang natanggap laban sa mga driver na ayaw magsakay habang 157 ang nai-report na naniningil nang sobra-sobra.
Facebook Comments