WAGI | Asia’s Got Talent Season 2 Runner-Up DMX Comvaleños, balik ‘Pinas na

Manila, Philippines – Asia’s Got Talent Season 2 Runner-Up na DMX Comvaleñoz, balik bansa na.

Nakabalik na sa bansa ang Asia’s Got Talent Season 2 runner-up na DMX Comvaleñoz matapos ang kanilang matagumpay na performance sa nasabing talent search.

Ayon sa kanilang choreographer at tumatayong lider ng grupo na si Joeffrey Mamayabay, hindi na sila magtatagal sa Maynila at sa halip ay didiretso kaagad sa Davao.


Sabik na aniya silang maipagmalaki sa mga kababayan ang kanilang nakamit na karangalan.

Kinumprima naman ni Mamayabay na dagsa na ang offers sa kanila pero pag-aaralan pa raw nila ito dahil may trabaho rin ang bawat miyembro ng DMX Comvaleñoz.

Facebook Comments