Maagang sinimulan ng bureau of fire protection ang pinaigting na kampanya nito sa “Oplan Iwas Paputok”sa Dagupan City.
Nagsagawa ng motorcade ang BFP Dagupan at ilang fire volunteers upang maipalaganap ang pag-iwas sa paggamit ng mapaminsalang paputok sa pagsalubong ng bagong taon.
Bukod sa karaniwang taunang pagpapaalala sa publiko ayon sa BFP, maging maingat sa pagpapaputok at huwag gumamit ng ipinagbabawal na firecrackers.
Magsasagawa naman ng regular na pag-iikot ang BFP sa mga barangay sa lungsod at ilang fire safety tips ang ipamamahagi bilang bahagi ng oplan “Paalala Iwas Paputok” ng ahensya. | ifmnews
Facebook Comments