Oplan Kaluluwa, Pinaghahandaan na!

Baguio, Philippine – Bumuo ng isang komite ang City Government ng Baguio City para sa “Oplan Kaluluwa” na naglalayon na masiguro ang kaayusan at kahandaan sa araw ng undas. Si Baguio City Mayor Mauricio Domogan ang magiging Chairperson at si City Administrator Carlos Canilao naman ang magsisilbing Action Officer. Ayon naman kay Baguio City Police Office (BCPO) Director Senior Superintendent Ramil Saculles ay mayroon ng nakaplanong security plan para sa traffic scheme sa mga sementeryo at tourist destinations sa siyudad. Magtatalaga din umano ng mga magbabantay sa pitong sementeryo at memorial parks sa Baguio City. Ikaw iDOL, ano ang plano mo sa darating na Undas? Tags: Luzon, Baguio, iDOL, Undas 2018

Facebook Comments